Nakabalik na sa karagatan ang stranded na risso’s dolphin sa Alaminos City matapos ng labindalawang araw na rehabilitasyon.
Matatandaan na natagpuan ng mga mangingisda sa Brgy.Victoria ang dolphin noong May 27 at agad pinakawalan matapos mai-report sa awtoridad ngunit agad bumalik sa baybayin dahil sa panghihina.
Pinangalanang ‘Maya’ ang risso’s dolphin na may habang dalawang metro at bigat na nasa 100 kilos.
Sumailalim sa gamutan,blood tests at rehabilitasyon ang dolphin at makalipas ang labing dalawang araw na panunumbalik ng buoyancy nito, pinakawalan na sa karagatan ang naturang marine mammal.
Patuloy na isinusulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 ang pinaigting na stranding response sa mga baybayin bilang bahagi ng marine conservation sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments