Strategy na gagamitin ni Justice Sec. Guevarra sa imbestigasyon sa mga tiwaling ahensya ng gobyerno, kasado na

45

May mga nabuo nang strategy si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na gagamitin niya sa kanyang bagong trabaho na pangunahan ang mas pinalawak na imbestigasyon laban sa mga tiwaling ahensya pamahalaan.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Bunga nito, sinabi ni Secretary Guevarra na kakailanganin niya ng lahat ng suporta at ng buong makinarya ng gobyerno para mapuksa ang kurapsyon sa pamahalaan.

Ayon pa kay Guevarra, dahil sa lawak ng naturang anti-corruption campaign ay tututok siya sa organizational set-up at mekanismo.

Makakatulong din aniya ng malaki kung ang mga kawani ng gobyerno at ang publiko ay magbibigay ng mga impormasyon hinggil sa kanilang mga nalalaman sa korupsyon sa gobyerno.

Kinumpirma rin ni Secretary Guevarra na bubuo siya ng strike forces na aatake sa corruption-prone agencies.




Facebook Comments