STUDENT JOURNALISTS NG MANGALDAN NATIONAL HIGH SCHOOL, IBINIDA ANG MGA TALENTO SA FESTIVAL OF TALENTS

Sa temang Breaking News, Breaking limits; Ipinakita ng mga Student Journalist ng Mangaldan National High School na hindi nagtatapos sa pagsulat ng kwento, pagbabalita, at pagbabahagi ng kaalaman ang kaya nilang gawin.

 

Sa naganap na SPJ Festival Of Talents ng Mangaldan National High School kahapon, ibinida ng mga Grade 7 hanggang Grade 10 young journalist ang kanilang mga talento sa paggawa ng info-ads, infomercial, role playing, singing, dancing at nagkaroon din ng search for Mr. and Ms. SPJ na mas nagpagalak sa mga manonood.

Napuno ng saya at kaalaman ang naturang programa na nakasentro sa paglilinang ng angking talento ng mga estudyante na paraan din upang mas mapabuti pa ang kanilang samahan at communication skills.

Dagdag pa si Ma’am Cynthia, naayon din sa pagiging competitive ng mga student journalist ng Mangaldan High.

Sa ngayon, isa ang Mangaldan National High School sa mga paaralang patuloy na nakasuporta sa mga estudyanteng nagnanais maging Journalist sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga programang makatutulong sa paghubog sa kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng mga skills trainings, seminars, and programs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments