Subic Freeport Expressway, binuksan na sa publiko

54
Photo Courtesy: PTV

Binuksan na sa publiko ang 8.2-kilometer Subic Freeport Expressway (SFEX) na may layuning mapabilis ang biyahe ng mga motorista maging ang mga business activities sa pagitan ng economic zones sa nabanggit na lugar.

Matatandaang naglaan ng P1.6 bilyon na pondo noong July 2019 ang gobyerno para sa pagsisimula ng naturang proyekto.


Pinasalamatan naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair and Administrator Atty. Wilma Eisma ang gobyerno sa kanilang suporta para sa development ng Subic bilang investment at tourism center.

Dahil dito, magiging mabilis na ang pagpapadala ng mga suplay at serbisyo sa loob at labas ng Subic.

Facebook Comments