Sue Ramirez at Loisa Andalio, in-good terms na daw uli?

Kinumpirma ngayon ng aktres na si Sue Ramirez na naibalik na nila ni Loisa Andalio ang kanilang pagkakaibigan matapos ang dalawang taong hindi pagkakaunawaan.

Say ni Sue, nagka-usap na sila sa wakas ni Loisa kaugnay sa hindi nila pagkakaunawaan at pareho silang masaya sa nangyari.

Naibalik na rin daw nila sa normal ang mga ginagawa nila dati ni Loisa tulad ng pagpa-follow sa isa’t isa sa Instagram.


Thankful si Sue sa nangyari lalo na masarap daw sa pakiramdam na wala kang kaaway.

Facebook Comments