SUGATAN | Isang babae, pinagsasaksak ng manliligaw nitong lalaki sa San Jose Del Monte City, Bulacan

147

Bulacan – Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang isang babae matapos itong saksakin ng dalawampu’t apat na beses ng lalaking kaniyang manliligaw sa San Jose City, Bulacan.

Sa ulat, nagalit ang suspek na manliligaw na si Ricky Millite sa biktimang si Reina Bea dahil sa sinagot nito ang kaniyang karibal.

Dahil dito, bumunot ng baril ang suspek pero nang hindi pumutok ay kinuha na lamang niya ang dalang ice pick saka sinaksak ang biktima kung saan tumakas ito matapos na bumagsak si Bea na inakala niyang wala ng buhay.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang patuloy na pinaghahanap ang suspek na si Millite.

Facebook Comments