SUGATAN | Opisyal ng BuCor – tinambangan sa Leyte

85

Leyte – Sugatan sa ambush si outgoing Leyte Regional Prison Superintendent Geraldo Aro.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang ilang minuto matapos ang turn-over ceremony para sa bagong pinuno ng Leyte Regional Prison sa bayan ng Abuyog, Leyte.

Kasama umano ni Aro na sugatan sa pananambang ang ilan sa kanyang mga tauhan.

Ayon naman kay Leyte PNP Chief Sr/ Supt. Noberto Tuazon – mag-a-alas-12:00 kaninang tanghali, papunta sa airport ang opisyal nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga gunman.

Nangyari ang ambush ilang metro lang ang layo sa labas ng Leyte Regional Prison Complex.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations sa insidente ang PNP.

Magugunitang si Aro ay isinangkot kamakailan sa isyu ng droga dahil sa umano ay pagkakanlong niya sa ilang inmate na drug personalities.

Facebook Comments