SUGATAN | Taxi driver, pinagsasaksak Taguig City

65

Manila, Philippines – Sugatan ang isang taxi driver nang pagsasaksakin dahil sa away trapiko sa barangay Bambang, Taguig City.

Kinilala ang biktimang si Daniel Daaca, 50 anyos.

Ayon sa Taguig PNP, minamaneho lamang ng biktima ang kanyang taxi nang hindi makadaan sa kalsada dahil nakaharang ang motorsiklo ng suspek.

Nagalit ang biktima sa motor rider na nauwi sa komprontasyon.

Nang mapikon ang suspek ay kumuha ito ng patalim saka inundayan ng saksak ang biktima.

Hawak na ng pulisya ang suspek habang tinulungan ng mga residente na maidala ang biktima sa ospital.

Facebook Comments