Sugatang NPA Leader, Ni-Rescue ng Kasundaluhan ng 54th Infantry Battalion

37
Cauayan City, Isabela-Na-rescue ng tropa ng militar ang isang sugatang lider ng makakaliwang grupo sa encounter sites matapos ang nangyaring bakbakan sa Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao kahapon, May 26, 2022.

Ayon sa ulat ng 54th Infantry (Magilas) Battalion, 5ID, PA, habang nagsasagawa ng pursuit operation malapit sa encounter sites,isang sugatang NPA leader ang inabandona ng kanyang mga kasamahan matapos ang ilang serye ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng kasundaluhan at miyembro ng makakaliwang grupo.

Kinilala ang NPA commander na si Avelino Cruz alyas Junel/Alcaras, Vice Commanding Officer, Front Operational Command, Guerilla Front Abra-Mt. Province-Ilocos Sur (GF-AMPIS), Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Agad namang dinala ng kasundaluhan sa pinakamalapit na ospital ang sugatan NPA para mabigyan ng kaukulang atensyong medikal.

Nagpasalamat naman si Lt. Colonel Franz Josef S. Diamante, 54IB Battalion Commander sa mga mamamayan ng Barangay Namal, Asipulo, Ifugao sa pagbibigay ng impormasyon sa presensya ng sugatang NPA sa lugar.

Pinuri naman nito ang tropa ng sundalo sa pagbibigay lunas sa NPA leader para maisalba ang buhay.



Tunay aniya na ang militar ay pinahahalagahan ang buhay ng tao at at palaging nagtataguyod ng karapatang pantao.

Facebook Comments