SUICIDE BOMBING | 6 patay sa Mogadishu, Somalia bombing

Somalia – Patay ang nasa anim na tao matapos ang suicide car bombing sa isang gusali ng local government office sa Mogadishu, Somalia.

Kabilang sa mga nasawi ay mga sundalo, sibilyan at ang mismong suicide bomber.

Aabot naman sa 14 ang nasugatan sa pagsabog.


Kaagad naman inako ng militanteng grupong Al Shabaab ang pangyayari.

Facebook Comments