SUICIDE | Isang grade 10 student, patay matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay

265

Quezon Province – Patay na nang matagpuan ang isang grade 10 student matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Balubal, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Victor Angelo Ona, 15-anyos.

Sa ulat, natagpuan na lamang ng kanyang lolo ang nakasabit na katawan ng binatilyo gamit ang isang sinturon sa loob ng cr sa kwarto nito sa kanilang bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Facebook Comments