SUMADSAD | Ibang bansa, nag-alok na ng tulong para sa retrieval ng BRP Gregorio del Pilar

533

Posibleng abutin isa hanggang dalawang linggo bago maialis ang BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa Hasa-Hasa shoal, West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Chief, Vice Admiral Robert Empedrad, gusto lamang nilang matiyak na habang isinasagawa ang retrieval efforts ay hindi ito magdudulot ng matinding pinsala sa mismong barko at sa mga coral sa lugar.

Magiging maingat ang gagawing pag-alis sa barko para walang anumang pagtagas ng langis.

Nangako ang Philippine Navy na gagawin nito ang lahat para maayos na maialis ang barko sa lugar.

Facebook Comments