Sumbat ng Palasyo na mas pinili ni Robredo na maging lider ng oposisyon kaysa maging miyembro ng Duterte cabinet, binuweltahan

40

Pinabulaanan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang alegasyong binitawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas pinili ni Robredo na maging lider ng oposisyon sa halip na magsilbi sa ilalim ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Twitter, ipinakita ni Vice Presidential Spokesperson Barry Gutierrez, ang text message ng isang “CabSec Jun” na nakiusap kay Robredo na huwag nang dumalo sa Cabinet meetings.


Sa kanyang tweet, bwelta ni Gutierrez na napakasinungaling ni Roque.

“Ayoko na sanang patulan pero sobrang sinungaling eh. ‘Pinili’ daw ni VP Leni na umalis sa Gabinete para maging lider ng oposisyon. Hay naku, magsisinungaling na lang andali pang hulihin. Resibo:,” ani Gutierrez sa kanyang tweet.

Ang “resibo” na sinasabi ni Gutierrez ay ibig sabihin ay “ebidensya” o “pruweba”

Ang “CabSec Jun” na tinutukoy sa text message ay posibleng mula kay dating Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco Jr.



Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Roque na pinili ni Robredo na maging ‘dekorasyon’ lamang sa pamahalaan matapos niyang magbitiw sa gabinete at pangunahan ang oposisyon.

Facebook Comments