SUMMER | PAGASA, nagbabala sa init ng panahon

50

Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa nakaka-alarmang init na nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa PAGASA, maaari pang tumaas ang init ng panahon sa mga susunod na araw.

Kahapon ng tanghali, nakapagtala ng 44.3 degrees celsius na heat index ang PAGASA sa San Jose, Occidental Mindoro habang 43.4 degrees celsius naman sa Bohol.

Pero naramdaman ang pinakamainit na temperatura sa Pangasinan na umabot sa 57 degrees celsius heat index.

Dahil dito, nagbabala na rin ang Department of Health dahil sa posibleng heat stroke.

Payo ng DOH, uminom ng maraming tubig at hangga’t maaari, iwasang manatili nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw.

Facebook Comments