SUMMER VACATION | MIAA, tiniyak na handa ang NAIA sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong panahon ng bakasyon

24

Manila, Philippines – Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na handa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong panahon ng bakasyon.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, pinakiusapan na nila ang mga local airline carriers na agad tugunan ang mga mahahabang pila sa kanilang mga check-in counters dulot ng kakulangan sa tao o pagkaantalang pagbubukas nito.

Pinalitan na rin aniya ang mga depektibong cooling coils at naglagay na sila ng mga bagong air conditioning units sa terminal 3.

Pinababantayan na rin ang mga operasyon ng taxi sa mga terminal.

Pinaigting na rin ang foot and mobile patrol, K9 visibility maging ang maayos na pagmamando ng trapiko sa paligid ng paliparan.

Facebook Comments