SUMUKO | 2 supporter ng Maute ISIS at mga kamag anak nito, sumuko sa militar sa Lanao del Sur

193

Lanao del Sur – Sumuko sa tropa ng militar ang dalawang supporters ng Maute-ISIS at mga kaanak nito sa Lanao Del Sur.

Ayon kay 1st Infantry Division Spokesperson Major Ronald Suscano ang mga supporters ay sina Panarigan Tama Baoraki alyas Golden Boy at Hadji Rasul Amembering.

Sinasabing ang dalawa ay hinihinalang lider ng Maute Group at supporters ng Maute ISIS terrorist na nagooperate sa Lanao Del Sur na naging target ng militar sa kanilang operasyon noong July 26 pero nakatakas.

Bukod sa dalawa sumuko rin sa militar ang mga kaanak ng mga mga terorista na kinilalang sina Omair Amembering, Amir M Salik, Andy Salem Amembering, Zolaica Amatonding, at Norman Fatima Casan.

Isinuko rin nila ang kanilang mga high powered firearms at iba pang war materiel: partikular ang cal 7.62mm M14, dalawang cal 5.56mm M16A1 rifles.

Sumasailalim na ngayon sa custodial debriefing sa headquarters, ng 103rd Brigade sa Kampo Ranao ang mga sumuko.

Facebook Comments