Sumukong prisoner sa PNP na naka avail ng GCTA umabot na sa 188

75

Dumami pa ang  mga prisoner na naka avail ng Good Conduct Time Allowance ang sumuko na sa Philippine National Police na ngayon ay umaabot na sa 188.

 

Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde mula Sept 5 hanggang kaninang umaga naitala ang pagsuko ng convicts.


 

29 na mga prisoners na sumuko ay nai-turn over na sa Bureau of Corrections.

 

Batay sa nakuhang official list ng PNP mula sa BuCor umaabot sa 1,914 ang mga prisoners na naka avail ng GCTA mula taong 2014.

 

Ibigsabihin may 1,600 pang prisoner na naka avail ng GCTA ang hinihintay ng PNP na sumuko bago matapos ang 15 days grace period na ibinigay ng pangulo na ang deadline  ay sa Sept 19.

 

Kapag natapos na ang 15 days period saka lamang idedeploy ng PNP ang kanilang teams para tugusin ang mga hindi susukong convicts na naka avail ng GCTA.

Facebook Comments

From Advertisers