Sundalo at Biff 6 na oras nagkabakbakan sa Maguindanao

Nagkabakbakan kahapon ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at tropa ng mga sundalo sa bayan ng Guindulungan Maguindanao. Ito mismo ang ipinarating na impormasyon sa Dxmy Rmn Cotabato ni BIFF spokesman Abu Misry Mama .Nagsimula ang labanan alas kuwatro ng hapon kahapon na tumagal hanggang alas onse ng gabi sa barangay Muslim ,Guindulungan.
Una umanong nagpakawala ng mortar shelling ang mga sundalo patungo sa kanilang lugar at gumanti ang Biff hanggang sa magkaputukan. Wala umanong nasawi sa hanay ng mga rebelde maliban sa isang sugatan ayon kay Abu Misry.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments