Sundalo at kasama nito, huli dahil sa paglabag sa liquor ban sa Ilocos Sur

Arestado ang isang miyembro ng Philippine Army at kasama nito matapos na lumabag sa liquor ban sa Brgy. Poblacion, Suyo, Ilocos Sur kagabi.

Kinilala itong si Corporal Emerson Ponceja, 32 anyos, active member ng Philippine Army at nakatalaga sa 5th Special Forces Battalion.

Habang ang kasama nitong naaresto ay kinilalang si Moises Gary Bistoyong, 30 anyos, at isang mangingisda.


Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagpapatrolya ang isang pulis na si Patrolwoman Melody Gamiao sa Brgy. Pob, Suyo nang makita ang sundalo at kasama nitong nag-iinuman.

Dahil dito, agad niya itong ipinarating sa kanyang mga kasama sa Suyo Police Station.

Nahaharap ito sa paglabag sa Article 151 at liquor ban.

Facebook Comments