Sundalo at NPA, patay sa engkwentro sa Infanta, Quezon

133

Infanta, Quezon – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army at isang sundalo sa panibagong engkwentro kaninang umaga sa Infanta, Quezon.

Bago ito, aabot sa 30 miyembro ng npa ang nakasagupa ng tropa ng 76th infantry battalion sa Barangay Barahan, Sta. Cruz sa Occidental Mindoro kung saan napatay ang NPA member na si “ka Bikke”.

Nasundan ito ng engkwentro sa Infanta, Quezon kung saan isang sundalo mula sa 1st IB ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan.

Sa ngayon, ayon kay Major General Roderick Parayno, nagpapatuloy ang kanilang pursuit operation upang tugisin ang mga tumakas na NPA.

DZXL558

Facebook Comments