Sundalo na nasawi sa Marawi City, binigyang pugay ng pamahalaan lokal ng Capiz

213

Roxas City – Kinilala at binigyang pugay ng lokal na Pamahalaan ng Capiz ang kabayanihan ni PFC Johnro Vista ng Barangay Cabugao Oeste, Panay, Capiz na namatay sa nagpapatuloy na labanan sa Marawi City.

Sa isang resolution na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan, ipinapaabot ng mga opsiyal ang kanilang pagkilala sa namayapang sundalo na nagbuwis ng buhay para ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga terorista.

Gayundin ang kanilang pakikiramay sa mga pamilya at kaanak ng magiting na sundalo.


Si PFC Johnro Vista ay pangatlo sa mga sundalong Capizeño na namatay sa labanan. Ito ay kasapi ng 15th Infantry Battalion, Philippine Army na naka-base sa Lanao del Sur.

Una nang kinilala at binigyang pugay ng lokal na pamahalaan ng Capiz sina SGT Throlen Lago PFC John Alvin Carillo.

Facebook Comments