Sundalo, patay matapos mag-amok ang isa pang sundalo sa loob ng Philippine Military Academy sa Fort Del Pilar sa Baguio City

337

Nasawi ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa matapos mag-amok ang isa pang sundalo sa Philippine Military Academy (PMA) Sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) – Cordillera, alas-4:35 ng hapon kahapon habang nasa second floor ng kanilang barracks sa PMA, ang dalawang sundalo ay bigla na lamang dumating ang isang sundalo at bigla silang pinagbabaril gamit ang M16 rifle.

Dahil dito, tinamaan agad is Staff Seargent Jeofrey Turqueza, miyembro ng Philippine Airforce na idineklarang dead on arrival sa Baguio General Hospital.

Sugatan naman ang isang pang sundalo na kinilalang si Staff Seargent Vivencio Raton na miyembro ng Philippine Army.

Kahit sugatan, nakipag-agawan ito ng baril sa nag-amok na sundalong si Airman Second Class Christopher Lim na tinamaan rin ng baril habang inaagaw ni Raton.

Kapwa rin sila isinugod sa Fort del Pilar Station Hospital pero inilipat din sa Baguio General Hospital at patuloy na ginagamot.

Sa pahayag naman na inilabas ng PMA, nanatiling ligtas ang mga kadete sa kanilang mga barracks sa akademya na ang lugar ay malayo sa pinangyarihan ng shooting incident.




Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments