Sundalo, patay matapos pagbabarilin ng hinihinalang NPA sa Daraga, Albay

Albay – Patay ang isang sundalo makaraang pagbabarilin ng hinihinalang New People’s Army sa bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang biktima na si private first class George Rey Murillo.

Dead on the spot si Murillo makaraang barilin ito sa ulo ng gunmen sa palengke sa Purok 4, Barangay Anislag.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pananambang.

Facebook Comments