Sundalo sa Iligan, patay sa ambush

33

Iligan – Patay ang isang sundalong miyembro ng 4th mechanized infantry battalion sa lungsod ng Iligan.
Ito’y matapos inambush ng pinaghihinalaang miyembro ng NPA sa isang sitio sa Barangay Rogongon sa Iligan city.
Ayon sa report ng Iligan City Police Office sa pamamagitan ni Police Senior Superintendent Leony Roy Ga, ang city director ng kapulisan na bandang alas nwebe kahapon ng umaga sa Barangay Rogongon ng magpatrolya ang isang team ng sundalo sa naturang lugar ay bigla na lamang silang pinatupukan ng mga hindi kilalang suspek.
Killed in action ang sundalong si Technical Sergeant Andal, samantalang sugatan ang kasama nitong si Corporal Pamplona.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam at ini-imbestigahan ng mga otoridad kung sino ang responsableng grupo sa pang-aambush na nangyari.

Facebook Comments