Sundalo, sugatan sa bakbakan sa Negros Occidental

398

Negros Occidental – Naharang ng 303rd Brigade ng Philippine Army ang tangkang pangha-harras sana ng mga miyembro ng New People’s Army sa Temporary Patrol base ng 62nd Infantry Batallion sa Barangay Hilamonan, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Col. Benedict Arevalo, Commander ng Army’s 303rd Brigade, nangyari ang pag-atake ng may pito hanggang sa siyam na rebelde mag-aalas otso kagabi na nagresulta sa bakbakan na tumagal ng Labinlimang minuto.

Agad namang umatras ang mga rebelde patungo sa Barangay Buenavista sa Lungsod ng Himamaylan kung saan nakubkob ng Militar ang kanilang kuta roon nito lamang bagong taon.

Dahil sa bakbakan, Isang Sundalo na kinilalang si Corporal Andin Jamison ang bahagyang nasugatan kung saan nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kaniyang kanang hita subalit hindi pa matukoy kung ilan naman ang sugatan sa panig ng mga rebelled.

Kasabay nito, hinimok ni Arevalo ang publiko na idulog sa kanilang text hotline 09563282415 ang kahit anumang impormasyon na nagpapatungkol sa ginagawang pangingikil ng mga rebelde sa kanilang lugar.

Facebook Comments