Sundalong positibo sa COVID-19, umabot na sa 201

Dumarami rin ang bilang ng mga sundalong nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, simula March 24, 2020 hanggang July 5, 2020, nakapagtala na ang AFP ng 201 na mga sundalong positibo sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 110 ay active cases at patuloy na ginagamot sa mga ospital ng militar.


13 ay nakarekober na sa sakit habang 78 ay cleared na sa COVID-19.

Sa ngayon, patuloy na nakadeploy ang mga sundalo para pa rin tumulong sa pagpapatupad ng community quarantine dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments