Sunod-sunod na aktibidad, dadaluhan ni PBBM, ngayong araw

Nakalinya ang aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marvos Jr., ngayong araw.

Ilan dito ay ang stakeholders meeting kasama ang importer, trader, retailer at mga magsasaka na gagawin sa Malacañang.

Maliban sa pagpupulong sa meeting, dadalo rin mamayang ala-1:30 ng hapon ang pangulo sa Philippine Development Plan 2023 to 2028 forum na gaganapin sa Meeting Hall 1 sa Philippine International Convention Center (PICC).


Kasama ng presidente sa event sina Executive Secretary Lucas Bersamin at NEDA Chief Arsenio Balisacan.

Pagkatapos ng aktibidad sa PICC ay didiretso agad ang pangulo sa Sofitel Philippine Plaza.

Ito’y para daluhan naman ang Basic Education Report 2023 kung saan ay makakasama ng Punong Ehekutibo si DepEd Secretary Sarah Duterte.



Facebook Comments