SUNOG | 5 pwesto ng karinderya sa GenSan, tinupok ng apoy!

34

General Santos City – Walang nasalbang gamit mula sa limang pwesto ng karinderya na matatagpuan sa harap ng Dr. Jorge Royeca Hospital sa Perez Sub., Barangay Lagao, Gensan matapos itong masunog alas 2:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi ni SFO1 Macacuna Tumambiling Arson, investigator ng Bureau of Fire Protection GenSan na malaki na ang sunog nang sila ay nakarating sa lugar.

Nagsimula ang sunog sa pwesto ng isang Jongjong Canedo na nasa gitnang bahagi ng nakahilerang karinderya kaya nadamay ang iba pang pwesto.

Walang nasugatan sa nasabing insidente matapos agad na nakalabas ang mga empleyado ng nasabing mga karinderya na natutulog doon.

Sa ngayon inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) GenSan ang sanhi ng sunog at kung magkano ang naging danyos nito.

Facebook Comments