SUNOG | Libu-libong mga pamilya, nawalan ng tirahan sa Jolo, Sulu

82

Sulu – Nawalan ng tirahan ang nasa libu-libong mga pamilya makaraang sumiklab ang isang malaking sunog malapit sa boundary ng Barangay Busbus at Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Sa ulat, aabot sa 2,000 bahay ang nasunog sa Barangay Busbus kung saan inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan nito.

Samantala, isang hiwalay na sunog ang sumiklab sa Barangay Lambayog na karatig-barangay lamang ng Barangay Busbus at ayon sa Sulu Province Fire, aabot sa 1,000 pamilya ang apektado sa sunog.

Nabatid na may apat na residente ang dinala sa ospital matapos magtamo ng sugat dahil sa sunog.

Facebook Comments