Sunog sa isang residential area sa Brgy. Catmon Malabon City, fire under control na

72

Isang sunog ang sumiklab sa Malabon City.

Sa report ng BFP-Malabon, kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang residential area sa likuran bahagi ng UNICAN Barangay Catmon, Malabon City.


Nai-report ang sunog sa BFP-Malabon bandang alas-9:41 ng umaga na agad itinaas sa unang alarma.

Bandang alas-9:46 ng umaga nang itaas ito sa 2nd alarm bago naideklarang fire under control kaninang
alas-10:17 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi mg sunog at kung ilang kabahayan ang apektado.

Facebook Comments