Sunog sa Quezon City , posibleng adik ang may gawa -BFP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senior Inspector Froilan Guzman, ng QC fire na hinahanap nila ngayon si Freddie Dayao kasunod ng sunog sa apartment sa Don Manuel Cor Dr. Alejos, Brgy. Salvacion, Quezon City.

Sa unit kasi ni Freddie nagsimula ang apoy base na rin sa kwento ng kanyang pinsan na si Aries.

Ayon kay Senior Inspector Guzman drug dependent si Freddie at sinubukang humingi ng pera sa may-ari ng bahay pero hindi sya napag bigyan.


Sinabi naman ng mga kapitbahay na kapag nakagamit ng iligal na droga si Freddie hindi ito makausap ng maayos at laging walang damit pang itaas.

Bago din anila nangyari ang sunog nakita nila itong may hawak na.mga dyaryo

Sa inisyal na imbistigayon ng QC Fire Department, 8 pamilya ang apektado matapos masunog ang 4 na bahay sa nasabing apartment.

Walang nasaktan o namatay sa sunog pero natupok ang nasa 100k pisong halaga na ari-arian.

Facebook Comments