Sunog sa San Juan City, umabot ng halos 2 oras

50
Photo Courtesy: San Juan City Government

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog na nangyari sa lungsod ng San Juan kaninang umaga.

Sumiklab ang sunog sa isang gusali pasado alas-9:45 kaninang umaga sa bahagi ng Anapolis Street, Barangay Greenhills.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) San Juan, umabot ng ikalawang alarma ang sunog na naapula alas 11:17 na ng umaga.

Patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments