Sunog, sumiklab sa barangay San Isidro, Parañaque City

128

Nasunog ang isang hardware shop matapos sumiklab ang apoy sa Villa Mendoza Subdivision barangay San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nahirapan sila sa pag patay ng apoy kaya itinaas na ito sa ikalawang alarma.


Kasama sa mga nasunog ang katabing commercial establishment ng nasabing shop katulad ng restaurant at bangko.

Samantala, nagdulot naman ng matinding trapik ang nangyaring sunog.

Wala namang nasaktan at nasugatan sa nangyaring insidente.

Facebook Comments