Sunog, sumiklab sa isang bahagi ng Trinoma Mall

57

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang bahagi ng Trinoma Mall sa Mindanao Avenue Gate, Quezon City.

 

Nagsimula ang sunog alas 2:34 nang tanghali sa engineering room sa basement ng mall.

 

Nailigtas naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang aircon technician na si Anthony Molina matapos na ma-trap sa loob ng barracks ng mall.

 

Naapektuhan ng sunog ang transport terminal area sa trinoma gayundin ang MRT 3 bagama’t malayo ito sa connecting platform ng North Avenue Station.

 

Patuloy pang inaapula ang sunog.


Facebook Comments