Sunog, sumiklab sa isang gusali sa Sta. Ana, Maynila

37

Manila, Philippines – Tatlong palapag ng isang gusali sa Sta.Ana, Maynila ang tinupok ng apoy pasado alas dose kaninang tanghali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikawalong palapag ng Fems Tower at nadamay ang 7th at 6th floor.

Malaking tulong anila ang malakas na buhos ng ulan kanina kaya madaling naapula ang apoy.

Umabot hanggang ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire undercontrol mag-aalas dos kaninang hapon.

Ang Fems Tower ay pag-aari ng Indian national na si Dave Sahijuweni.

Facebook Comments