SUNOG | Warehouse na pagmamay-ari ni Bro. Mike Velarde, nasunog; Palyadong linya ng kuryente, posibleng dahilan

121

Parañaque City – Kontrolado na ang sunog sa isang warehouse na pagmamay-ari ni Brother Mike Velarde sa Parañaque City.

Ayon sa fire department ng lungsod, 3:54 ngayong madaling araw ng dineklarang fire under control ang sunog na nagsimula pasado alas dose ng hating gabi kanina.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sa grocery store nagsimula ang apoy.

Damay sa sunog ang katabing gusali na canteen at paupang kwarto.

Isa sa tinitingnang dahilan ng sunog ang palyadong linya ng kuryente dahil may narinig munang pagputok bago kumalat ang apoy.

Posible naman managot ang may-ari ng nasabing warehouse dahil sa nakitang paglabag sa Fire Code of the Philippines dahil sa kakulangan ng automatic sprinkler.

Facebook Comments