Sunshine Cruz, ikinadismaya ang ‘’manyak’’ comments sa kanyang picture kasama ang tatlong anak

15731

Ikinadismaya ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga manyak comment sa picture nito kasama ang kaniyang tatlong anak na sina Angelina, Samantha, at Francheska.

Say ng aktres sa kaniyang Facebook account, nalungkot siya nang gawing rason ng mga manyak ang suot nilang shorts o swimsuit para bastusin.


Depensa ni Sunshine, huwag daw sisihin ang mga babae sa mga sinusuot nito dahil kahit balot at naka-gown pa raw sila ay meron pa ring mga bastos.

Matatandaang nagpost ang aktres ng kanilang picture na nakasuot ng swimsuit habang nasa inflatable pool sa kanilang bahay.

Facebook Comments