Sunshine Cruz kinilig sa birthday message sa kanya ng boyfriend na si Macky Mathay

“akala ko wala nang tulad mo”.

 

Ito ang natanggap na sweet na mensahe ni Sunshine Cruz galing sa businessman niyang boyfriend na si Macky Mathay.

 

Nabatid na kaarawan kasi ni Sunshine nitong July 18 kaya nagpasya si Macky na pasayahin ang “love of his life”.


 

Ayon kay Macky hindi siya makapaniwala na nag-eexist pa ang isang tulad ni Sunshine.

 

Malaki raw ang pasasalamat niya sa diyos dahil dumating ito sa kaniyang buhay.

 

Unang isinapubliko nina Sunshine at Macky ang kanilang relasyon noong October 2016.

 

Matatandaang may tatlong chikiting si Sunshine sa dating asawa nitong si Cesar Montano habang si Macky ay may tatlo ding anak.

Facebook Comments