Supervision lang at hindi pagkontrol ang dapat pairalin ng itinalagang Cabinet Secretary sa bawat LGU

274

Nagpaalala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa cabinet members na itinalagang “big brother” sa bawat Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).


Giit ni Drilon sa Cabinet Secretaries, sumunod sa mahigpit na prinsipyo ng local at fiscal autonomy na ipinagkakaloob ng konstitusyon sa bawat LGU.

Paliwanag ni Drilon, malinaw sa konstitusyon na supervision lamang at hindi pagkontrol sa LGUs ang maaaring gawin ng Pangulo kahit pa may umiiral na pandemya.

Layunin ng paalala ni Drilon na maiwasan sa mga miyembro ng gabinete ng Pangulo na matapakan ang otoridad ng LGUs habang inaalalayan ang mga ito sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments