Suplay ng bakuna sa bansa, sapat kahit sa susunod na administrasyon – Galvez

Nananatiling sapat ang suplay ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 62 milyong doses ng bakuna ang handang iturok ng bansa.

Habang nasa 56 milyong doses ang parating ngayong Disyembre hanggang sa unang bahagi ng Enero.


Sa ngayon, nakapag-secure na ng bakuna ang bansa na sasapat kahit bumaba na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Karamihan sa mga bakuna ay sa 2023 pa mae-expire.

Facebook Comments