Suplay ng bigas sa bansa, hindi apektado ng Bagyong Tino

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa katapusan ng taon, sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Sa Malacaֽñang press briefing, sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nakapag-ani na ang karamihan sa mga rice-producing areas bago tumama ang bagyo kaya’t nailigtas ang malaking bahagi ng suplay ng palay.

Dagdag pa ni De Mesa, hindi rin major rice-producing regions ang mga lugar na dinaanan ng bagyo gaya ng Eastern Visayas, Central Visayas, at Palawan.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng DA at Office of Civil Defense (OCD) upang matukoy ang kabuuang pinsala sa agrikultura.

Tiniyak din ng ahensya na kahit may ban sa pag-aangkat ng imported rice, sapat pa rin ang imbentaryo ng bansa.

Tinatayang 18 milyong metric tons ng bigas ang maiiwan bago matapos ang taon mula sa 20.2 milyong metric tons na inaning palay at 3.4 milyong metric tons na imported rice bago ipinatupad ang import ban.

Facebook Comments