Suplay ng pagkain at tubig sa Itbayat, Batanes, kapos na!

45

Kinakapos na sa suplay ng pagkain at tubig para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Isang Linggo kasing hindi naka-biyahe ang mga bangka patungong Itbayat, Batanes para maghatid ng tulong dahil sa nararanasang sama ng panahon sa lugar bunsod ng habagat.


Ayon kay Itbayat Mayor Raul De Sagon, nagkukulang na rin ang supply ng fuel na ginagamit para sa power supply sa lugar.

Habang pinangangambahang mawalan na rin sa suplay ng tubig dahil kuryente rin ang nagpapatakbo sa kanilang water pump.

Facebook Comments

From Advertisers