Suplay ng tubig sa 96 percent ng mga customer ng Manila Water, naibalik na

Naibalik na ang suplay ng tubig sa siyamnapu’t anim na porsiyento ng mga customer ng Manila Water sa East Concession Zone.

 

Walo hanggang 12 oras nang nakakatanggap ng tubig ang mga customer ng Manila Water sa mga lugar sa Metro Manila at Rizal na naapektuhan noon ng isang linggong water interruption.

 

Kabilang naman sa mga lugar na hindi pa rin nakatatanggap ng hanggang walong oras na suplay ng tubig ay ang:


 

–       Raja sumakwel sa Upper Bicutan, Taguig

–       Kawilihan sa Bagong Ilog, Pasig

–       Hulo, Mandaluyong

–       bahagi ng kasiglahan village sa San Jose at San Isidro sa Rodriguez, Rizal

–       bahagi ng Quezon City

–       Guitnangbayan sa San Mateo at sitio halang sa Binangonan, Rizal

 

Muli namang tiniyak ng Manila Water na ginagawa nila ang lahat para mas maagang maibalik sa normal ang suplay ng tubig.

 

Una rito, sinabi ng water concessionaire na target nilang maibalik sa 99 percent ang suplay ng tubig sa katapusan ng Marso.

Facebook Comments