Suporta ng AFP para sa ilalatag na seguridad sa SONA ng Pangulo, kasado na

53

Nakahanda ang hanay ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force National Capital Region (AFP JTF NCR) para tumulong sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad kaugnay sa gagawing ika-apat na SONA ng Pangulo sa Lunes, July 22.

Ayon kay AFP JTF NCR Spokesperson 1st Lt. Arrianne Bichara, may idedeploy silang tropa na derektang susuporta sa mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Presidential Security Group (PSG) para bantayan ang kilos ng mga sasali sa rally.


Tiniyak ni Bichara na tutulungan ng mga sundalo ang mga pulis sa pagmonitor ng galaw lalo na ng mga Anti-government organization para hindi makaubra ang mga ito.

Sa ngayon, sinabi ni Bichara na wala pang pangangailangan para magtaas ng alerto ang AFP JTF NCR.

Nakadepende aniya ito sa utos ng kanilang higher office.

Pero siniguro ng opisyal na palaging handa ang buong hanay ng AFP para protektahan ang estado at mga Filipino.

Facebook Comments

From Advertisers