Suporta ng gobyerno sa mga kababaihan, dapat pag-ibayuhin

Kasabay ng Women’s Month celebration, iginiit ni House Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar sa gobyerno na pag-ibayuhin ang suporta sa mga kababaihan, gayundin sa mga bata at senior citizen.

Ayon kay Villar, mahalaga ang papel ng mga kababaihan sa nation-building kaya dapat maproteksyunan ang kanilang kapakanan at maibigay ang serbisyong nararapat.

Pangunahin ding binanggit ni Villar na dapat pangalagaan ang kalusugan at mental health ng mga kababaihan lalo na ang mga ina at kanilang mga sanggol.

Sabi ni Villar, ito ay sa harap ng tumataas na bilang ng nasasawing ina dahil sa panganganak kaya nalalagay rin sa panganib ang kanilang mga isisilang na sangol.

Bunsod nito ay binigyang diin ni Villar ang pangangailangan na magpasa ng mga panukalang batas para mga kababaihan tulad ng pagbibigay sa kanila ng flexible work arrangements o work-from-home program lalo na kung buntis, gayundin ang panukalang free medical and hospitalization benefits sa mga kapus-palad na kababaihang may sakit.

Facebook Comments