SUPORTA SA EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT, PINATATATAG SA POZORRUBIO

Patuloy na pinatitibay ng bayan ng Pozorrubio ang suporta sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitang pang-edukasyon sa mga batang mag-aaral.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 34 na day care workers ang tumanggap ng mga learning materials na ipamamahagi sa lahat ng ECCD learners sa iba’t ibang barangay.

Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng limang libro, kasama ang ECCD checklist at curriculum guide, upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga aralin.

Layunin ng inisyatibong ito na mapabuti ang kalidad ng maagang edukasyon sa Pozorrubio at matiyak na ang bawat bata ay may pantay na oportunidad na matuto at umunlad sa murang edad.

Facebook Comments