Suporta sa lokal na pamahalaan ng Cebu, tiniyak ni PBBM

Ipagpapatuloy ng Marcos administration ang kanilang suporta sa lalawigan ng Cebu para mas magkaroon ng masiglang ekonomiya na may magandang benepisyo para sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtungo nito sa Cebu nitong weekend.

Sinabi ng pangulo sa harap nang maraming residente sa Cebu na may mga ikinakasang mga big ticket infrastructure projects para mas ma-develop hindi lang ang Cebu sa halip ang buong Pilipinas.


Iginiit pa ng pangulo na tama ang direksyon ng Marcos administration para matupad ang kanyang mga pangako sa Cebu noong siya ay nangangampaya pa lamang.

Facebook Comments