Mas pinalalakas ng pamahalaan ang suporta sa mga local Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Rehiyon Uno.
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, inihayag ni DTI Region 1 Information Officer Joyce Segui-Sabado ang buong suporta ng kagawaran para sa mga MSMEs.
Winakasan din nito ang konsepto na ang mga maliliit na negosyo ay hindi kayang sumabay sa mga malalaki, aniya, may kakayahan ang mga ito kaya buo ang kanilang suporta.
Sa kabilang banda, inihayag din ni PhilExport Region 1 President Jocelyn Perez na kaya na ring makipagsabayan ng mga na-po-prodyus ng msmes sa world market.
Kapansin-pansin ang kabilaang suporta ng pamahalaan para sa mga MSMEs sa rehiyon, tulad na lamang ng paglalagay ng mga kadiwa sa iba’t ibang bayan at lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣