Pinalawak ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagbubukas ng Agri-Tourism Trade Fair sa lungsod.
Tampok sa nasabing fair ang iba’t ibang produkto mula sa lokal na produksyon tulad ng sariwang gulay, prutas, at bagong huling isda na nagpapakita ng yaman ng agrikultura at yamang-dagat ng lungsod.
Nakiisa rin sa aktibidad ang ilang ahensya ng pambansang pamahalaan at mga katuwang mula sa pribadong sektor na nagpakilala ng mga produkto mula sa kanilang mga tinutulungang komunidad at benepisyaryo.
Nagbigay-buhay din sa trade fair ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng iba’t ibang lokal na pagkain at delicacies.
Ayon sa pamahalaang lungsod, nagsisilbi ang Agri-Tourism Trade Fair bilang pagkilala sa sipag, tiyaga, at ambag ng mga magsasaka, mangingisda, at lokal na negosyante sa pag-unlad ng San Fernando City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










