Sunday, October 11, 2026

Suporta sa middle class, paiigtingin sa nalalabing termino ni PBBM

Mas paiigtingin ng administrasyong Marcos ang suporta sa middle class sa nalalabing higit isang taon ng termino nito.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kailangang mabigyan ng sapat na suporta ang middle class habang sinisikap ding hindi na bumalik sa kahirapan ang 6.5 milyong Pilipinong nakaahon na.

Kabilang sa mga nakikitang hakbang ang pagpapabilis ng malalaking infrastructure projects na maaaring lumikha ng trabaho, magpalakas sa lokal na ekonomiya, magpababa sa gastos sa paghahatid ng mga produkto at makahikayat ng investments.

Mahalaga aniyang mapalakas ang kabuhayan at kita ng mga pamilyang nasa middle class para manatili silang matatag at hindi tuluyang bumagsak sa kahirapan kapag may krisis o pagtaas ng gastusin.

Samantala, bumaba ang poverty rate sa bansa mula 15.5% noong 2023 sa 9.7% noong 2025.

Gayunman, sinabi ni Recto na hindi sapat na makaahon lamang sa kahirapan.

Kailangang mapanatili ang pag-angat ng mga pamilya at masuportahan ang middle class para mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng mas matatag na kabuhayan.

Facebook Comments